after four years.. finally, at last, natuloy din ang reunion ng tropa!! salamat nga sa graduation party ni kalen kasi dun naplano ang lahat.. nag over night swimming kame sa isang resort jan sa angono, rizal.. akala ko nga di pa matutuloy kasi biglang bumuhos ang ulan... pero dahil nakaset na ang lahat., gora pa din kame...
madaming dumating., pero sad to say hindi pa din nakumpleto ang tropa.. pero okei lang yun atleast natuloy din yung matagal ng drawing na reunion diba!!
sa apat na taong nagdaan natural lang na madami ng nabago sa bawat isa samen., madami na sa kanila ang nakagraduate., isa na dun si kalen., ang "cum laude" ng PUP!! si jomel na scholar ng RTU!! at ang ilan pa galing sa ibat ibang unibersidad.. meron pa ding patuloy na nagaaral upang makamit ang hinihintay na pagtatapos.. ang ilan samen ay certified call center agent nah mula sa ibat ibang kompanya.. at ang iba naman ay meron ng pamilya..
pero ang pinakanakakagulat sa lahat ay ang pagkakaroon agad ng pamilya ni nerissa.. sya kasi ang pinaka tahimik sa tropa.. yung tipong di mo aakalaing hahantong agad sa ganung sitwasyon.. well, sabi nga nila.. una una lang yan.. we'll never know kung kailan ang right time for us diba!! pero di mo din naman masasabing isang pagkakamali ang nangyari sa kanya sapagkat nasa husto na syang edad diba?! what's important is nakaya nyang ihandle ng tama kung anu man ang tinatahak nya ngayon.. ayun!
ang isa pang kumabog sa paningin ng lahat ay ang malaking transformation ni abiel.. este., a-byel pala.. napakasimple lang kasi nya nuon pero ngaun talo pa ata ako sa pagiging pa-gurl!! hindi lang sa pagiging boses babae., long hair na din sya ngaun., pahinhing kilos., at pormang fashionista pah!! well, well, well, ganya talaga life., kahit ganyan yan tropa namin yan!!
most of us may kanya kanya na ding mga boyfriend and girlfriend (ako lang ata ang wala that time.. heheh) pero di pa din naiwasan ang mga namuong pag iibigan ng nakaraan.. isa isa naming nabalikan ang lahat hanggang sa mapagkwentuhan ang mga nakakatawang linya ng bawat isa., ang mga namuong away., at ilan sa mga issue na ngayon lang nabigyang linaw..
masarap talagang balikan at sariwain ang mga pangyayaring napagsamahan ng tropa.. at nakakatuwang isipin na kahit mahigit apat na taon na ang nakaraan ay ganun pa din ang pakikisama ng lahat sa bawat isa.. honestly, parang wala ngang nabago eh!! hindi pa din maawat ang kalokohan at sobrang kaingayan sa tuwing magsasama sama ang tropa.. and yun ang pinakagusto namin sa lahat., na kahit saan man mapunta at mapadpad ang lahat... ang tropang nabuo ay mananatili pa ding isang buong TROPA!!
No comments:
Post a Comment